If love is blind..

I’ll find my way with you. :)

You were little once too, and knew how to turn everything into a game. So, turn your work into a game, and you will find joy and satisfaction in it. What are some ways you can start being playful with work?

You were little once too, and knew how to turn everything into a game. So, turn your work into a game, and you will find joy and satisfaction in it. What are some ways you can start being playful with work?

Sino si Bestfriend?

Bukod sa pamilya mo.. si bestfriend lagi yung una mong sinasabihan ng masasayang moment na nangyari sayo, siya yung madalas mong pagsabihan ng mga secrets mo, siya yung madalas mong hampasin at kurutin sa tuwing nagkukuwento ka ng kilig moments mo (ewan ko lang kung pati mga lalaki ganito?)

Si Bestfriend yung pwede mong takbuhan lagi kapag may problema ka.. hindi dahil sa nasa kanya yung solusyon sa problema mo kundi dahil handa ka niyang damayan gaano man kabigat yung dinadala mo. Siya lagi yung handang tumulong sayo.. kapag hindi ka nya matulungan ee matutulungan ka niya! Gagawa at gagawa yan ng paraan maiparamdam niya lang sayo na  s/he cares… s/he always cares for you!

Si Bestfriend lagi yung handa kang saktan.. handa kang saktan in a way na masasabihan ka niya ng masasakit na salita para lang ipa.realize sa’yo yung pagkakamaling nagawa mo.. siya lagi yung nag cocorrect kapag may mali ka.. Siya lagi yung nagreremind sayo kapag may nakakalimutan ka.. Siya yung (willing?) o handang magtiis na mag antay sayo sa maga lakad niyo kapag late ka. Siya yung madalas na naiinis sayo.. naiinis sya in a way na hindi ka niya matiis! Siya lagi yung handang magbantay sayo, makasiguro lang siya na ligtas ka. Minsan, dinaig niya pa ang nanay mo..pagalitan ka ee parang siya ang nagpapakain sayo! de joke  (pero syempre alam kung ibang level talaga an nanay mo). Siya yung laging concern sayo.. kapag malungkot ka, kapag heartbroken ka.. asahan mo na lagi lang nandiyan siya para sayo.. Handa siyang makinig sa malatelenovela mong drama, Handa ka niyang utuin mapasaya ka lang ulet. Siya yung laging handang sabayan ka kahit anu pa man ang trip mo. handang sabayan ka sa bawat halakhak mo na parang wala nang bukas. Handa ka niyang saluhin kapag bumagsak ka, Handa siyang maging tungkod mo kapag nadapa ka. Handa siyang sabayan ka sa paglalakad kapag wala kang pamasahe.. handa siyang magsakrpisyo para lang sayo.

Kaya maswerte mapalad ka kung natagpuan muna ang bestfriend mo .. Hindi lang yung kaibigan na tinuturing mong da best kung hindi yung kaibigan na nagulat ka na lang isang araw na bestfriend mo na pala siya.. hindi mo siya mapupulot sa basurahan, ni mabibili sa tindahan.. Si bestfriend ay itinapon ibinigay ng Diyos dito sa mundong ibabaw para sambutin mo, pahalagahan at mahalin.. siya yung tunay na kaibigan. :)

If you are the Son of God, command that these stones become bread.

“It is written, that ‘Man shall not live by bread alone but by every word that proceeds from the mouth of God.’”

Happy Bestfriends Day?! :)

Tama ba o nahuli lang talaga ako sa balita? Well, kakatanggap ko lang nang ganyang mensahe pero hindi galing sa bestfriend ko. Actually, parang chain message nga ee.. “isend mo sa 1 million na friend mo at kung sino yung unang mag send din sa yo ay yung ang bestfriend mo!”de joke lang.. haha :)

Ayun, kung tutuusin.. hindi naman big deal sakin to. Ee ano kung hindi ko mabati yung bestfriend ko kung totoo man na bestfriend day ngayon? Siya nga di nya ko binati.. naturingang magkateks pa naman kami kagabi? hihi nagtampo?.. ee sa hindi nga namin alam na BF day pala ngayon? At ayun.. walang kaso kung totoo yun.. dahil ang alam ko lang kahapon bestfriend ko sya, ngayon bestfriend ko sya at bukas bestfriend ko pa rin siya! meganon? meganon talaga! :)

Enough.. gusto ko lang sabihin na..

“MABUHAY ANG MGA TAONG MAY BESTFRiEND, MABUHAY ANG MGA BESTFRiEND NATiN.. MABUHAY ANG ATiNG MGA TUNAY NA KAiBiGAN! :)

Reblogged from:
Posted 1 day ago
140 notes
S M O K I N G KILLS (̅_̅_̅̅(ด้้้้้็็็็็้้้้้็็็็็้้้้้้้้็็็็็้้้้้็็็็็้้้้้้้้็็็็็้้้้้็็็็็้้้้้้้้็็็็็้้้้้็็็็็)
Posted 1 day ago
2 notes
Ang cute mo.. Nakakainis.. <'))><

weh? inuuto mu lang ako weh.. haha. tnx na rin ‘salmon’! :D 

Reblogged from:
Posted 1 day ago
2 notes

mahjakoto:

There are always be a reason for you to smile. Forget that yesterday gave you pain. Today is a another day. Make a countless smiles! 

Reblogged from:
Posted 1 day ago
74 notes
yung kj na printer nagloloko..
ako: baka pagod na sya?
tita: wala siyang karapatang mapagod!
ako: :)
I’m looking for a part time job..

Yess.. ngayon pa ko nagbalak maghanap kung kelan malapit na naman ang pasukan.. Kahaba-haba ng bakasyon ee. Well, di pa naman ako seryoso.. pag pumabor sakin yung part time job na mahahanap ko. :)

Boy: Band-aid ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Pwede ba kitang ilagay sa sugatan kong puso? :)
Ako: weh? ang sweet.. corny..
UNFOLLOW :|

Ewan ko ba kung uso to. I mean masyado tayong apektado kapag may nag ..

As if you care? Numero lang ng followers mo ang alam mo.. pero ni minsan ba nabisita mo ang blog nila?(Bakit kailangan ba?) Well, nagtatanong lang ako.. Siguro kasi Wala kang time para gumala sa mga sandamukal na blogs nung mga taong humahanga sa iyo.. sa anumang batayan kung bakit ka nila hinahangaan.. hindi ko alam at wala na akong balak alamin pa. Hindi ko rin naman sinasabi na i follow back mo sila kasi finollow ka nila. heller.. choice mu yan.. who cares?

Alam ko naman na sapat na ang mga post mo para maramdaman ng mga followers mo kung paano mo sila pinapahalagahan. Alam ko hindi ka lang sumusulat para sa sarili mo.. kundi para rin sa kanila..para ibahagi yung mga bagay na natutunan mo at mga bagay na nararanasan mo ngayon.. mga bagay na bigla lang pumasok sa isipan mo..  Yun nga lang iba-iba tayo ng pananaw.. kaya siguro may mga taong hindi makasabay sa trip mo, naiirita sa pangangaral mo, nayayabangan sa ipinapakita mo, nayayamot na sa mga post mo at pakiramdam nila bumabaha na nag basura sa dash nila kaya nagpasya na lang sila na mag..

Sunod sa uso..

Siyempre kung anong trending dun ka, masabi mo lang na alam mo ang lahat, updated ka sa lahat ng mga bagay, masunod ka lang sa uso. Well, hindi naman yun yung point of view ko at ewan ko kung may point ba tong sinulat ko para ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa dito. Sabagay choice mo pa rin ito, wag mo nang sayangin ang oras mo dahil katuwaan lang naman ito.

Yung moment na kahit nahatulan na si Corona ee tuloy pa rin ang mga tao sa mga chu chu ek ek bla bla bla.. Ayun.. yun lang naman yung ‘trending?’ topic ng group namin ng mga 4th yr. Highschool classmate ko sa FB. Nagpapalitan ng komento yung dalawa kong maiinit na kaklase at dahil mainit pa nga yung isyu ee pinatulan ko, panggulo lang ba? :P

But wait.. there’s more.. pero dahil parang nauumay ka na.. wag na lang.

Teka who cares? ee post ko nga pala to. :)

Posted 3 days ago
umuulan ngayon.. umuulan ng TA. :)